Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala, partner sinilat 2nd seeded pair

0 179

Kakokorona bilang na kampeon sa 125th French Open 2021 girls’ doubles sa Paris nitong Sabado, matindi ang balik-hampas ni Alexandra ‘Alex’ Eala sa International Tennis Federation W25 Madrid tournament sa Spain katambal sa pagkakataong si Andorran Victoria Jimenez Kasinteva.

Ginimbal ng unseeded pair sa opening round Martes ng gabi ang second seeded tandem nina Robin Anderson ng USA at Isabella Shinikova ng Bulgaria, 6-3, 7-6 (3).

Abante sa quarterfinals sina Eala at Kasinteva na makakatapat sina American Ashley Lahey at Australian Olivia Tjandramulia na 7-6 (4), 6-1 winner sa kapwa unranked tandem nina Victoria Bosio ng Argentina at Angelica Moratelli ng Italy.

Gayunman, hindi umubra ang unseeded na si Eala sa women’s singles first round kay home, bet fifth favorite Andrea Lazaro Garcia Miyerkoles ng hapon, 6-2, 4-6, 4-6, para sumablay sa Round-of-16. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.