Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala pasok sa Milan Last 8

0 79

Alpas si top seed Alexandra ‘Alex’ Eala kay 13th seed Ksenia Zaytseva ng Russia, 7-4, 4-6, 7-5, para umabante sa quarterfinals ng JA Milan tournament sa Italy Huwebes ng gabi.

Sa pangatlong sunod na ragasa ng 16-year old Pinay netter na suportado ng Globe at isang scholar sa Rafael Nadal Academy sa Spain, makakasalpukan nina sa Last Eight si Sofia Costoulas ng Belgium.

Nakatakda pang sumalang ang top pick pair nina Eala at American Madison Sieg sa quarterfinals din ng doubles sa parehas na araw laban kina sina Zaytseva at compatriot Yaroslava Bartashevich.

Atat si Eala na makabawi sa second round exit sa debut kamakailan sa 134th Wimbledon Championship sa London sa junior girls’ singles at doubles din. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.