Abante Tonite Interactive

Eala pasok sa Top 10, papalo sa Australia

363

Tagumpay ang kampanya sa 2019, sabik na babalatan ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang 2020 sa paghampas sa Australian Open Junior Championships sa poarating na Enero 25-Pebrero 1.

Atat na ang 14-yea-old PH tennis star na nasabing event na una niyang malaking torneong lalahukan at una pa lang din sa playing career na sasalihan.

“I’m very excited to compete. This will be my first Australian Open and I’m looking forward to start the year well,” psambit nitong Linggo ng tennis prodigy at Globe ambassador na netter.

Umangas si Eala nakaraang taon kaya umentra sa No. 9 sa International Tunior Federation juniors world ranking. Galing siya sa 113th.

Iyon din ang dahilan kaya nasikwat ni Eala ang spot Eala sa main draw ng Grand Slam juniors tourney sa Melbourne. (Elech Dawa)