Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala patok vs Kana

0 60

Paborito si second seeded Alexandra Eala laban kay home bet wildcard Charlotte Owensby sa nakatakdang 141st US Open junior girl’s singles second round sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City Martes ng gabi (Miyerkoles ng umaga sa Manila).

Bye sa opener ang 16-year-old Rafael Nadal Academy scholar, Globe Ambassador at International Tennis Federation world junior No. 2 sa Amerikanang ITF juniors No. 315, na galing sa first round 6-1, 7-6 (3) win kay qualifier Pimrada Jattavapornvanit ng Thailand nitong Lunes.

Lagare ang Pinay netter mula sa Quezon City na si Eala dahil abante na rin ang sixth seeded tandem nila ni Belgian Hanne Vandewinkel sa girl’s double second round nang mag-bye rin sa opening round.

Makakahampasan nila ang mananalo sa pares nina unseeded Greek Michaela Laki/Slovakian Rodka Zelnickova at mga Amerikanang sina wildcard Elizabeth Coleman/Madison Sieg. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.