Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala pinatalsik Belgian netter

0 30

Alpas si top seed Alexandra ‘Alex’ Eala kay No. 6 seed Sofie Costoulas ng Belgium 7-6 (5), 4-6, 6-4, sa JA Milan tournament Trofeo Bonfiglio quarterfinals sa Italy Biyernes ng gabi.

Sulong sa Last Four ang Pinay tennis ace, Globe Ambassador at Rafa Nadal Academy scholar na nakatakdang makatuos ang kapwa 16-anyos na si Mirra Andreeva ng Russia.

SM food to go Banner Ad

Nakatakda pang sumabak sa parehas na araw ang top tandem nina Eala at American Madison Sieg sa doubles semifinals kontra kina fifth pick Russians Kira Pavlova at Diana Shnaider. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.