Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala pinigil ng Swiss netter

0 129

Hindi pinalad si Alexandra ‘Alex’ Eala sa quarterfinals ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament second leg Biyernes ng gabi (Manila time) sa Spain, yumukod kay seventh seed Ylena In-Albon ng Switzerland, 0-6, 3-6.

SM food to go Banner Ad

Nabigong makausad sa semifinals ang 15-year-old, Pinay tennis sensation, Globe Ambassador, Rafael Nadal Academy scholar, at junior reserved player ng torneo, sa mas matangkad din at mas may edad na 21-anyos na karibal.

Kakareyna lang ni Eala nitong Linggo, first leg ng ITF W15 Manacor tournament sa nasabi ring bansa para una niyang pro career title. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.