Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala sabak sa 2 Turkey netfest

0 204

Ilang araw lang magpapahinga si Alexandra ‘Alex’ Eala at pagkraa’y muling aaksiyon sa susunod na linggo sa dalawang torneng W15 Antalya sa Turkey sa April 19-25 at Apr. 26-May 2.

Nagsasaya pa ang 15-anyos, tubong Quezon City, Rafael Nadal Academy athletic scholar, at Globe Ambassador sa pinakamataas niyang world Women’s Tennis Association (WTA) rankings sa linggong ito na No. 662.

Kakagaling lang ng Pinay netter sa third round ng W60 Bellizona sa Switzerland kung saan tumagpas siya rito ng dalawang mas may edad at mas mataas ang ranking sa kanya.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.