Abante Tonite Interactive

Eala sampa sa No. 9 mula 113th

186

Matagumpay ang naging kampanya ni Alexandra ‘Alex’ Eala nitong 2019 kaya naman parang rocket na umakyat ang kanyang world ranking.

Swak na sa top 10 ng world junior tennis ang Pilipina tennis phenom.

Mula sa 113th sa simula ng 2019, umakyat ang 14-year-old netter sa No. 9, ang pinakabata at isa sa dalawang Asian na nasa Magic 10.
Halos mga 17-anyos ang mga kasama ni Eala sa 10.

Nagpakitang-gilas ang Rafa Nadal Acade­my scholar sa nakaraang taon, nagwagi sa Grade A event sa South Africa,­ nakapasok sa finals at semis sa dalawang­ Grade A tournament sa Osaka, Japan at sa ­Orange Bowl sa Florida.

Runners-up din sa dalawang Grade 2 events. (Elech Dawa)