Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala silat sa Brit netter

0 143

Umeksit agad sa 125th French Open (Roland Garros) 2021 junior girls’ singles event si Alexandra ‘Alex’ Eala na sinorpresa ni Briton Matilda Mutavdzic, Lunes 4-6, 7-6, 1-6 sa Paris Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabigo ang 16-year-old Pinay ace at second seeded sa unseeded at 17-anyos sa salpukan ng mga kaliweteng tenista para hindi mapantayan ang Final Four finish sa nakaraang taon.

May pagkakaton pang makabawi sa pagkalugmok si Eala sa girls’ doubles event kasama si Oksana Selekhmeteva ng Russia ngayong Martes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.