Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala sinorpresa French netter

0 231

Ginulantang ni junior exempt Alexandra Eala si lucky loser Margot Yerolymos ng France, 7-6 (8-6), 6-2, sa pagsiklab ng International Tennis Federation Sqitzerland 01A W60 Bellinzona sa Switzerland women’s singles first round sa Tennis Club Bellinzona Martes ng gabi.

Ang tagumpay ng 15-year-old, Quezon City pride at Women’s Tennis Association No. 715 sa 23-anyos at WTA No. 323 French netter ang nagtakda sa Last 32 match niya ngayon laban kay first round bye at 12th seed Laura Ioana-Paar ng Romania.

SM food to go Banner Ad

Kontrolado ni Eala ang dalawang oras at dalawang minutong paluan patunay ng pagkabig sa winning percentage on first serve 65%-57%, at sa second serve 65%-39% sa pagpapanganga sa five-time ITF queen na huling nagkatitulo noong 2018 sa Tunisia hambing kay Eala na may isa pa lang na korona nitong Enero sa Manacor, Spain.

Pero kailangang kumayod nang todo ng Rafael Nadal Academy at Globe Ambassadress sa laban mamaya sa 32-taong-gulang, current WTA 199th at multititled ITF Circuit champion Romanian. (Janiel Abby Torralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.