Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala sinorpresa Swede sa 3 set

0 87

Bumawi si Alexandra ‘Alex’ Eala sa second set loss upang sorpesahin pa rin si Mirjam Bjorklund ng Sweden, 6-4, 3-6, 6-3, sa mabangis na simula ng kampanya sa International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament second leg Miyerkoles ng gabi (Manila time) sa Spain.

Kakasungkit lang ng Pinay tennis sensation, Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy scholar sa una niyang professional title nitong linggo sa kagila-gilalas na pag-sweep sa limang mga mas may edad at matatangkad na karibal, ila’y mas matatas pa ang ranking sa kanya.

Iniumang ng 15-anyos na Pinay na junior reserve lang dito ang mabilis na pagwalis sa Swedish oppent na second seeded netter nang maitumba agad ang karibal. Pero nakarekober pa ito para hatakin ang decider.

Nagpapaluan ang mananalo sa makakatapat ni Eala sa second round ng kompetisyon na may $15K top purse. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.