Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala sinungkit unang pro title

0 75

Tagumpay na ibinagahe ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang unang kampeonato, ang International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi (Manila time).

BInlewala ng Pinay tennis sensation ang mabagal na simula upang mapabagsak si Spanish netter Yvonne Cavalle-Reimers , 5-7, 6-1, 6-2 para unang professional career title.

Mainit ang palitan ng palo ng PH bet at 28-year-old rival, para sa pagkopo ng Kastila sa first set laban 15-year-old Pinay.

Pero mabangis na bumawi ang Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy scholar sa ikalawang yugto upang maitabla ang talaan at kunin din ang deciding third set.

Tinuloy-tuloy ni Eala ang paghataw sa ikatlong yugto upang maibagahe ang kampeonato sa torneo na may $15,000 premyo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.