Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala swak sa semis

0 106

Swak sa semifinals ng women’s singles tennis event ng 31st Southeast Asian Games si Pinay tennis ace Alex Eala makaraang mamayagpag kontra Malaysian netter Jo Leen Saw sa quarterfinals, Miyerkoles, sa Hanata Tu Son Bac Ninh sa Vietnam.

Winalis ni 16-year-old Eala via straight sets ang kanyang Malaysian opponent, resulta upang lumusot sa semifinals ng women’s singles.

Samantala, parehas na araw, wagi rin si Eala at partner nitong si veteran netter Treat Huey sa mixed doubles quarterfinals via straight sets kontra kina Sataporn Simmalavong at Phonephathep Philavong ng Laos.

SM food to go Banner Ad

“Won my very first SEA Games mixed doubles match. Thanks partner, Treat Huey! I also won my singles match today and move to semifinals. Laban PH!” litanya ni Eala via Facebook.

Kamakailan, nasungkit ng Philippine national women’s tennis team, kabilang si Eala, ang bronze medal sa women’s team tennis event ng SEA Games. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.