Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala tinagpas ang Hungarian

0 101

Nakabalikwas pa mula sa 4-0 down si second seeded Alexandra ‘Alex’ Eala upang makaalpas kay unseeded Natalia Szabanin ng Hungary, 6-4, 6-1,sa first round ng 124th French Open Juniors Tennis Championships 2020 girls singles nitong Lunes sa Roland Garros Stadium sa Paris.

Sunod na haharapin ng 15-year-old Pinay netter sa Last 32 si Mara Guth ng Germany na wagi kay Sarah Iliev ng host country, 6-4, 6-3.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Papalo rin ang anak ni 1985 Thailand Southeast Asian Games 100-meter backstroke bronze medalist at current Globe Telecom Chief financial officer Rizza, sa girls doubles katambal si Elviena Kalieva ng USA. Katapat ng fourth seeded pair sa first round sina unseeded Italian Eleonora Alvisi at Lisa Pigato. (Ramil Cruz)

Note: Palit sa 06 PBA absentees story TONITE Sports page 8 (06 PBA absentees story paki-transfer po sa TNT Online Breaking Sports, thanks.

Leave A Reply

Your email address will not be published.