Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala tinagpas Argentinian

0 88

Nagpakitang gilas si second seeded Alexandra ‘Alex’ Eala sa debut sa 134th Wimbledon Championships junior girls’ singles nang sibakin si unseeded Solana Sierra ng Argentina, 6-2, 6-4, sa All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London Lunes ng gabi (Manila time).

Makakatuos ng 16-year-old Pinay standout na suportado ng Globe, sa second round si unseeded Ane Mintegi del Olmo ng Spain na 6-1, 6-0 winner kay Italian Eleonora Alvisi.

Asinta ng Quezon City native at Rafael Nadal Academy scholar ang third Grand Slam title makaraang makopo ang 2020 Australian Open girls’ doubles kasangga si Indonesian Priska Nugroho at ang 2021 French Open girls’ doubles katama si Russian Oksana Selekhmeteva. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.