Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala tinagpas Swiss netter

0 194

Sorpresang dinomina ni teen sensation Alexandra ‘Alex’ Eala si Simona Walterts ng Switzerland, 6-1, 6-4, sa pagsiklab Miyerkoles ng International Tennis Federation (ITF) W25 Manacor World Tour sa Manacor, Spain.

Kinontrol ng 15-year old Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic scholar at Globe ambassadress ang 20-taong-gulang at WTA NO. 283 sa pamamagitan ng liksi’t bangis sa kanyang serve and volley game.

Makakatapat ng junior exempt ditong si Eala sa Last 16 si third seed Jana Fett ng Croatia na pinatalsik naman sa isa pang Round-of-32 match si eight pick Austrian Julia Grabher, 3-6, 6-3, 6-3.

Ito ang panlimang pro netfest ni Eala sa taong ito, pero pangatlong women’s $25K event niya sa murang career sapul noong isang taon. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.