Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala umangas uli sa US NCAA

0 91

Muling humampas ng kambal na panalo si freshman Miko Eala para bumalikwas sa tatlong sunod na tilapon ang Pennsylvania State University sa 78th US NCAA men’s tennis tournament 2021 nitong weekend.

Dinemolis ng 18 taong-gulang, 6-1 ang taas na kuya ni women’s pro tennis prospect Alexandra ‘Alex’ Eala,

sina Michael Wozniak ng Purdue University Boilermakers, 7-5, 7-5, at Carson Haskins ng Indiana University Hoosiers Carson, 7-5, 6-2.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pinakita ni Miko ang nagkaloob sa Nittany Lions ng mga panalo kontra Boilers 6-1 at Hoosiers 4-3 sa torneo para makaresbak mula sa pagsemplang sa University of Illinois, Phio State University at Northwestern University noong isang lingo.

May 4-1 win-loss na siya overall at nag-angat ang sa Lions sa 2-3 slate.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.