Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala umangat world ranking

0 237

Tuloy ang pag-akyat ni Alexandra ‘Alex’ Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) world women’s singles rankings ilang araw sa pagbalik niya sa 125th French Open (Roland Garros) juniors girl’s singles simula sa June 6 sa Paris.

Sa linggong itong pinaskil ng WTA, umakyat sa No. 624 mula sa nagdaang linggong 661st ang Philippine junior standout, Rafael Nadal Academy-Spain scholar at Globe Ambassador sapul noong 2013.

Bunsod ang pagsampa ng 16-anyos na Pinay netter buhat sa Quezon City, sa impresibong runner-up finish katerno si Russian Oksana Selekhmeteva sa kanyang unang women’s doubles professional stint at ‘Sweet 16’ sa women’s singles ng W25 Platja D’Aro tournament sa Spain sa nakaraang buwan.

Sinimulan ni Eala sa 1,190 ang 2021 WTA rankings niya. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.