Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala umupong world jr No. 2

0 175

Sumampa bilang world no. 2 sa International Tennis Federation (ITF) girls junior anking si tennis sensation Alexandra ‘Alex’ Eala makaraan ang French Open Final 4 finish sa nakaraang linggo.

Mula sa ikaapat na puwesto, akyat ng dalawang baiting ang 15-year-old Pinay netter na may 2148.75 points.

“Happy with my performance and thank you again for all your support! It has truly been an amazing week!” bulalas ni Eala nitong Lunes ng gabi via Facebook.

Una sa talaan si Elsa Jacquemot ng France na nagtala 2261.75 pts. Ang 17-anyos ang dumaig kay Eala sa semifinals at nagkampeon sa nasabing torneo (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.