Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala vs Swiss sa Manacor

0 90

Sisimulan ngayong Miyerkoles ni Alexandra ‘Alex’ Eala ang kampanya sa ikatlong $25,000 women’s pro tournament, International Tennis Federation (ITF) Rafael Nadal Academy (RNA) by Movistar World Tour sa Manacor, Spain

Sokpa sa 32-player main draw bilang junior exempted ang 15-year-old Pinay teen sensation mula sa Quezon City, RNA scholar at Globe Ambassadres, na makikipagtuos kay Simona Waltert ng Switzerland.

Umabot si Eala sa W25 Grenoble World Tour sa Grenoble, France nitong February 8-14, habang hanggang sa second round naman sa W25 Las Palmas de Gran Canaria World Tour noong November 16-22 sa Spain din.

Dehado ang PH ace netter at reigning Women’s Tennis Association (WTA) 763rd laban sa 20-anyos at world No. 284 na Swiss. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.