Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eala world No. 2 pa rin

0 49

Kumapit sa world junior girl’s singles No. 2 ng International Tennis Federation si Alexandra ‘Alex’ Eala makaraan ang katatapos na kaampanya sa 141st US Open tournament 2021 sa New York.

Sa latest rankings na nilabas ng pederasyon Huwebes at may petsang Setyembre 13, upo pa rin sa pangalawang pwesto ang 16-year-old Pinay netter mula sa Quezon City, Rafael Nadal Academy scholar at Globa Ambassador.

Mayroon siyang 2964.25 points sa likod ni No. 1 pa ring si Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra na may 3154.75 markers.

Umabot si Eala sa US Open singles quarterfinals si Eala samantalang nakarating sa girl’s doubles semifinals kasangga si Hanne Vandewinkel ng Belgium.

“I had another great experience at the US Open where I reached the quarterfinals in singles and semifinals in doubles (with my partner Hanne Vandewinkel). I am happy that this was an improvement from my 2019 second round finish,” litanya ni Eala sa kanyang Facebook page.

No. 3 si Robin Montgomery ng Amerika na may 2766.25 pts., pang-apat si Kristina Dmitruk ng Belarus na na may 2453 at panlima si French Elsa Jacquemot sa 2205.5. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.