Abante Tonite Interactive

EARIST PAMPITO NG ST CLARE

100

Kinadena ng St. Clare ­College-Caloocan ang pitong sunod na ­panalo matapos pagpagin ang EARIST 94-76 sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Nakipagtulungan si Aries Dionisio kina Michael de Leon, Paeng Rebugio, Junie Hallare at Mark Puspus para manatiling malinis ang ­karta ng Saints sa 14-team tournament.

Kumana si 6-5 Dionisio ng 18 points at 14 rebounds para sa Caloocan-based Saints na na­ngangarap mapanatili ang koronang nasikwat nila noong 2012.

Bumakas sina De Leon at Rebugio ng 11 at 10 markers ayon sa pagkakasunod para sa Saints.

Nanaig naman ang AMA University kontra Philippine Christian University 85-82 sa panga­lawang laro.

Nagtala sina Fil-Am guard Jason Riley at Jezer Calma ng pinag­samang 41 points para sa Titans na napaganda ang karta sa 3-4.

Umiskor si Riley ng eight sa kanyang team-high 21 points sa third quarter nang lumarga ang lamang ng Titans sa 23 points.

Tumapos si Calma ng 20 points, may 11 ­markers si Daniel ­Salonga para sa AMA.

Namuno sa opensa ng Dolphins si Jon Von Tambeling na nagrehistro ng 23 markers.