Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Earthquake drill kinansela ng NDRRMC

0 46

Kinansela ng Nation­al Disaster Risk Reduc­tion and Management Council (NDRRMC) ang nakatakda sanang third quarter simultane­ous earthquake drill ka­hapon.

“Bilang pag-iingat po sa Bagyong ‘Jolina’ at sa posibleng epekto ng Ty­phoon Kiko ay napagde­sisyunan po na ipagpal­iban ang pagsasagawa ng 3rd quarter simulta­neous earthquake drill,” sabi ni Mark Timbal, tag­apagsalita ng NDRRMC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ni Timbal, naiintindihan kasi nila na marami ang nag-aasikaso dahil sa sitwasyon na dala ng bagyo, at sa posibleng problemang teknikal na maidudulot nito.

“Ito’y para matutukan lalo ng mga kababayan natin ang pag-iingat sa bagyo at bilang kun­siderasyon na rin po sa posiblkeng epekto sa internet connections sa maraming lugar bun­sod ng bagyo.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.