Abante Tonite Interactive

Earthquake drill sa Marso 12

187

Inihayag ng Office of Civil Defense (OCD) na magkakaroon muli ng earthquake drill sa buong bansa sa Marso 12 ganap na alas-dos ng hapon.

Sa pahayag ng OCD, ito ang unang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon.

Wala umanong ceremonial program na gagawin sa mga lugar kung saan gaganapin ang drill pero katulad sa mga nakaraang pagsasanay bilang paghahanda sa lindol, may mga tukoy nang ­staging area hinggil sa mga scenario sakaling magkaroon ng paglindol sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan ang OCD sa mga pamahalaang lokal, mga paaralan, mga establisimiyento, mga relihiyosong grupo at iba pang sektor para aktibong lumahok sa earthquake drill.

“Sa darating na ika-labindalawa ng Marso, alas dos nang hapon, inaanyayahan ang lahat na lumahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED bilang paghahanda sa anumang pagyanig dahil walang pinipiling oras ang sakuna. Halina’t mag-DUCK, COVER, and HOLD dahil #BidaAngHanda,” ayon sa OCD. (PNA)