Abante Tonite Interactive

Earthquake proof na public structures, napapanahon

By
14

Upang masiguro na hindi magigiba o masisira ng lindol ang mga public infrastructures kapag may lindol at iba pang kalamidad, ikinarga ng isang senador ang probisyon sa national budget upang ipagbawal ang mga ampaw na proyekto.

Sa probisyon na isiniksik ni Sen. Loren Legarda sa 2017 national budget, ang mahahalagang istruktura na ipapagawa ng gobyerno ay kailangang hindi matutumba ng malalakas na lindol, bagyo, baha at iba pang kalamidad.

Dahil dito, bawal ang mga substandard materials, matatabang na timpla ng semento, at maninipis na materyales sa mga ipapagawang istruktura ng gobyerno.

Abante Hiring – IT dep

Sakop ng probisyong ito ang retrofitting ng mga tulay at iba pang public infrastructures, ayon sa senadora.