Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eat Bulaga sanib-puwersa pa rin sa Kapuso

0 32

NI: ROLDAN CASTRO

Nag-renew ang GMA Network at TAPE Inc. ng kanilang blocktime agreement para sa pagsasa-ere ng Eat Bulaga.

Sey ni Joey Abacan, First Vice President for Program Management Department claims , “Napakagaan nilang ka-partner. In the last 27 years, I am one of the blessed people who witnessed how Eat Bulaga transferred to GMA. Until now, napakasaya pa rin kasama ng Eat Bulaga. At nadagdagan pa ang barkadahan, mabawasan man, nandiyan pa rin yung spirit ng samahan. I’m very happy.”

Naniniwala naman si Senator Tito Sotto na hindi mararating ng EB ang 42nd to 43rd year kung hindi sa GMA-7, “Maraming salamat sa inyo. Tumulong kayo sa amin at nakatulong kayo sa amin upang through the years Eat Bulaga transformed into public service masquerading as entertainment show. Thank you and mabuhay kayo, GMA-7.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa tingin ko kaya hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ang Eat Bulaga ay dahil madali siyang panoorin. Kahit nasa bahay ka kaya mong mag-multitask habang nage-enjoy, nakikitawa at minsan nakikiiyak sa show. Madaling panoorin pero may dating sa puso. Kaya nga rin tayo’y Kapuso dahil ‘yun ang pinaka importanteng ingredient sa ating buhay – puso,” saad naman ni Vic Sotto.

“Hindi pa seven ang GMA, seven na kami. Mula Student Canteen, nag-Discorama, hanggang sa nabuo kaming Tito, Vic, and Joey. Palagay ko kung may mother of all, Eat Bulaga na ‘yun. Ngayon, at 27 years sa GMA-7, seven presidents na rin ang dinaanan ng Eat Bulaga at tumatakbo tayo sa ating ika-43rd year. Add mo ‘yun 4 plus 3 equals 7. Kaya hindi lang forever kundi 7-ever na ‘to,” bulalas naman ni Joey de Leon.

Eat Bulaga airs Mondays to Fridays, 12:00 noon, and Saturdays, 11:30 a.m on GMA-7. Viewers abroad can also catch the program via GMA Pinoy TV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.