Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eat Bulaga sasalba kay Vice Ganda

0 231

Pinatunayan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto, sumikat sa Eat Bulaga at mahigpit na karibal ng ‘It’s Showtime’ sa ABS-CBN kung saan host si Vice Ganda na walang personalan sa mundo ng showbiz.

Ito ay makaraang pangunahan ng senador ang paghain ng panukala na naglalayong bigyang muli ng prangkisa ang television giant ABS-CBN na isinara noong nagdaang taon.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1967, layon nito na bigyan ng bagong lisensiya ang ABS-CBN na makapag-operate ang kanilang television at broadcasting station sa panibagong 25 taon.

“I noticed the TV stations have been replacing their news programs with animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

“ABS-CBN’s wide reach to Filipinos, alongside with the undeniable advantages of broadcast media relative to mass communication, definitely call for the immediate renewal of the network’s franchise,” paliwanag pa nito.

Ayon pa kay Sotto, sa kabila ng pagkawala sa free TV at radio station ay patuloy pa rin ang pagtaas na rating ng ABS-CBN sa kanilang A2Z Channel, cable at online platforms kung patuloy na naipapalabas ang programa ng naturang network.

Noong Setyembre, ang ABS-CBN pa rin ang pinapaborito ng mga manonood sa Pilipinas matapos makapagtala ang network ng average audience share na 45 porsiyneto o 14 puntos na mas mataas sa 31 porsiyento ng GMA, batay sa datpos ng Kantar Media.

“Likewise, Filipinos abroad feel a little less away from home due to The Filipino Channel, commonly known as TFC, also owned and operated by ABS-CBN,” sabi pa ni Sotto.

Ayon pa kay Sotto, malaki ang tiyansa sa ngayon na mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN dahil sa pagbabago ng liderato sa Kamara.

“Yes. New Speaker, new Officers. Could be a better chance,” ani Sotto.

Suportado naman ni Senador Sonny Angara ang panukala subalit depende aniya ito sa magiging desisyon sa Kamara kung saan unang tatalakayin ang nasabing panukala.

“We support that but as u know it’s all dependent on what the House will do since it is subject to the origination clause of the Constitution where certain types of bills including franchise bills must originate from the House,” sabi ni Angara. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.