Abante Tonite Interactive

Eat healthy, eat sexy

310

Ngayong Valentine’s Day, huwag magpa-stress sa paghahanap ng restaurant na makakainan. Mag­handa ng sariling romantic dinner na magpapalakas pa sa iyong libido.

Para sa appetizer, mag-steam ng talaba na pipigaan ng lemon. Kung ayaw naman ng steamed, puwede rin namang i-bake ang talaba sa isang regular na oven. Lagyan ito sa ibabaw ng kaunting butter at garlic o keso. Ang talaba ay mayaman sa zinc.

Sa main course, mag­handa ng beef fillet steak na may steamed spinach at béarnaise sauce. Ang beef ay mayaman sa protina at zinc. Mayaman din ang beef sa Vitamins B2, B3, B6 at B12 na mahalaga sa pagbabalanse ng hormones at nakakalaban sa stress. Napakadali lang nitong gawin. Lagyan ng timplang asin at pamintang durog ang hiniwang beef. I-grill o ipan-fry sa kaunting butter o olive oil.

Para sa béarnaise sauce, kailangan ng 300 grams na butter, 4 na kutsarang puting suka, 4 shallots na itsa-chop, 3 kutsarang chopped fresh tarragon leaves at isang kutsarang buong dahon ng tarragon, asin at durog na pamintang panlasa, 4 na dilaw ng itlog at isang kutsaritang katas ng lemon.

Bahagyang tunawin sa init ang butter at itabi. Salain ang butter hanggang matanggal ang medyo namumuo pang puti nito. Ilagay ang suka sa isang saucepan at idagdag ang shallots, chopped tarragon leaves at asin. Painitan sa mahinang apoy hanggang mangalahati ang nag-vaporize. Salain at itabi.

Magbati ng dilaw ng itlog kasama ang isang kutsaritang tubig. Ihalo ito sa nilutong suka at saka dagdagan ng katas ng lemon. Magpakulo ng tubig sa isang pan, at sa ibabaw ay initin at halu-haluin ang mixture hanggang sa lumapot. Isalin naman ito sa klinaro at tinunaw na butter at saka haluin hanggang lumapot. Ilagay ang buong taggaron leaves at lagyan ng panimplang asin at pamintang durog.

Para sa dessert, maghiwa ng pakwan. Ang pakwan ay mayaman sa L-citrulline na nagiging L-arginine at nitric oxide.

Huwag ding mawawalan ng chocolates sa mesa lalo na ang dark chocolate. Ito ay may phenylethy­lamine, isang kemikal na nagbibigay ng “love feeling”. Nakakababa rin ito ng blood pressure.

Para sa inumin, mag­handa ng pomegranate juice. Ito kasi ay nakakaganda ng mood. Pero, para sa ilan, mas sexy siyempre ang red wine.

Ang compound na quercetin ang nakakatulong sa pagpapaganda ng testoste­rone level. Pero huwag nang hihigit pa sa dalawang baso ang inyong iinuming red wine para gi­sing sa laban.