Abante Tonite Interactive

EB Bae Joel itinanggi ang halikan sa kapwa lalake

By
55

PINALAKPAKAN ang EB Baes na sina Kenneth Medrano at Miggy Tolentino sa press launch ng bagong endorsement nilang Heroes Barbers na meron munang apat na branches sa San Pablo sa Laguna, sa Fora sa Tagaytay, sa Quintin Paredes sa Binondo at magbubukas na sa E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Kasama sina Kenneth at Miggy sa pelikulang Trip Ubusan; Lolas vs.  Zombies na nagbukas na sa mga sinehan kahapon.

Doon kasi nila nabalitaang binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang naturang pelikula kaya tuwang-tuwa ang dalawang Baes.

Sabi ni Kenneth, “‘Yung pagod po at hirap namin sa movie, nasusuklian po ng positive po na comments.

Nu’ng nalaman ko po kay Nanay Rams kung ano ang ibig sabihin ng Grade A, nag-goosebumps po ako bigla.”

Nagpasalamat si Kenneth sa lahat na sumoporta sa kanila lalo na raw sa APT Films at MZet na kinuha sila sa pelikulang ito.

Samantala, malaki ang kumpiyansa ng mga taga-Heroes Barbers sa mga EB Baes na ma-promote nila ang kanilang barber shop na ang target nila ay madagdagan pa nang madagdagan ng mas maraming branches.

Ilan pa sa mga Bae na endorser nito at tinawag na Ambaesadors ng Heroes Barbers ay sina Kim Last, Tommy Peñaflor, Jon Timmons at Joel Palencia.

Doon na rin sa press launch na iyun itinanggi ni Joel ang isyung pagkalat ng mga gay scandal photo na may kahalikan siyang kapwa lalaki.