Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ebak ipapakain ni Vice sa PhilHealth Mafia

0 539

NI: VINIA VIVAR

Shocking talaga ang balitang P15 billion pesos ang umano’y ninakaw ng mga opisyales ng Philippine Health Insurance, Corp o PhilHealth ayon mismo sa isang whistleblower.

Kaya naman umuusok sa galit ang taumbayan at maging ang mga artista ay hindi napigilang magpahayag ng kanilang pangingitngit.

Isa sa matapang na nagpahayag ng galit ay si Vice Ganda na talagang nagmura pa at nagsabing dapat daw ay pakainin ng t*e ang mga magnanakaw sa PhilHealth.

Related Posts

“Parusahan ang mga magnanakaw sa Philhealth. Ikulong! PAGDUSAHIN. Pakainin ng tae ang mga fotaenang yan! Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila. Walang kompa-compassion sa mga demonyo! Mga ulul! Sumakit tuloy ang ulo ko! Akin na ang Saridon!” tweet ni Vice Ganda.

May pahayag din si Bianca Gonzalez. Tweet niya, “15. BILLION. PESOS. Iniisip mo pa lang kung gaano kalayo ang mararating ng 15 Billion pesos sa Covid response.”

Si Zsa Zsa Padilla naman ay nag-tweet na ibalik daw ang pera at nagmakaawa kay Pres. Rodrigo Duterte na imbestigahang mabuti ito at ipakulong ang magnanakaw.

“Para yan sa kalusugan ng taong bayan na pinagtrabahuhan. Ano na, Philhealth?! Ibalik nyo ang pera!!! Imbestigahan yan ng maiigi at sana ipakita sa atin ng ating Pangulo na talagang maimbestigahan ng maiigi at maipakulong ang mga magnanakaw!!! President Duterte, parang awa nyo na,” tweet ni Divine Diva.

Pahayag naman ni Jason Abalos in his tweet, “Woow!! kawawang Pilipinas, nakakawalang pag asa.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.