Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ebidensya vs Makabayan bloc sa Senado imbento – Zarate

0 269

Iginiit ni Bayan Muna party-list Representative Carlos Isagani Zarate na gawa-gawa lamang ang mga ebidensiya na iprinisinta ng umano’y dating rebelde sa pagdinig ng Senado nakaraang linggo.

Inakusahan ni Zarate si dating NPA member Jeffrey Celiz, star witness ng gobyerno laban sa Makabayan bloc na walang basehan at hindi totoo ang inihayag sa pagdinig.

“Huwag naman sanang gamiting lunsaran ng mga false accusation at mga ebidensya na ‘perjured.’ Yung star witness na si Celiz, previously nagpakilala si Eric Almendras … yung mga nakakilala sa kanya, nag-call out sa mga false statements niya, gaya ng nanggaling siya ng University of the Philippines, na member siya ng kung anu-anong left-leaning organizations, etc,” ayon kay Zarate.

“Then he changed his narrative … pinalitan niya nang ma-point out na, in fact, in August 2016 he was named by President Duterte na drug protector sa Iloilo city, at nagtago siya,” dagdag pa ni Zarate. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.