Abante Tonite Interactive

Ebon, Carandang panuwag ng Tams

0 392

Goal maging champion.

Hindi na hahayaan ngayon ni Far Eastern University Lady Tamaraws coach George Pascua na Final Four lang ang maabot sa parating na UAAP Season 82 women’s indoor volleyball tournament.

Nakapasok ang Morayta-based squad sa semifinals, pero nabigo nang dalawang beses sa nagkampeong Ateneo de Manila Univetsity Lady Eagles.

“Isa talaga sa goal namin ang championship. Lahat naman nag-aambisyon doon. Pero para sa amin, one game at a time lang, kumbaga kaila­ngan lang planuhin at kailangang pagtrabahuhan,” pahayag ni Pascua sa TONITE.

Malaking adjustment ang tatahakin ng Lady Tamaraws dahil sa nawala na sa graduation sina Heather Guino-o, Jerrili Malabanan at Kyle Negrito. Pero dahil alam na ni coach George na ganun ang magiging senaryo na napaghandaan naman nila.

“Siyempre in-anticipate na namin iyon, iyong mga mawawala sa amin. Half of my players are rookies,” aniya. “So nag double-time kami for that para ma-meet namin iyong standard ng team for this season, then iyong mga expectation ng mga tao at least kahit papaano ma-achieve namin.”

Tutok ang spotlight sa edisyong ito ng liga kina Lycha Ebon dahil sa bukod sa nawala na ang kanyang mga senyores ay nag-‘ober da bakod’ din ang ka-tandem sa opensiba na si France Ronquillo sa National University Lady Bulldogs.

Kaabang-abang rin ngayon ang pag-i-step-up ni Czarina Carandang na magdedeliver ng quick spikes habang toka naman sa pagpapadala sa kanya ng bola si setter Angel Cayuna. Bahala sa floor defense ang isa sa mga astig na libero ng torneo na si Buding Duremdes. Kung magpapatuloy sa tikas si Buding, malaki ang tsansang makaagaw niya si Adamson libero Thang Ponce sa Best Libero trophy. (Aivan Episcope)