Abante Tonite Interactive

Ebuen MVP ng 94th NCAA volley

By ,
134

Pinangalanan si Necole Ebuen ng Arellano Lady Chiefs bilang Most Valuable Player ng NCAA Season 94 wo­men’s indoor volleyball.

Bukod sa pagiging season’s MVP, si Ebuen din ang tinanghal na Best Opposite Spiker.

Si Cindy Imbo ng Perpetual Lady Altas ang hinirang na 1st Best Outside Spiker at 2nd Best Outside Spiker si Cesca Racraquin ng San Beda Lady Red Spikers.

Abante Hiring – IT dep

Tinanghal na 1st Best Middle Bocker si Rachel Anne Austero ng St. Benilde Lady Blazers habang 2nd Best Middle Blocker si Bien Elaine Juanillo ng Lyceum Lady Pirates.

Nasungkit naman ni Robyn Matias ng Beda ang Best Setter award at Rookie of the Year title samantalang Best Libero si Daryl Racracquin.
Sa men’s division, si Joebert Almodiel ng Perpetual ang MVP at 1st Best Outside Spiker.

2nd Best Spiker si Aguinaldo Generals, Joshua Mina habang si Jesrael Liberato ang kinilalang Best Opposite Spiker.

Naging 1st Best Middle Blocker si Ronniel Rosales ng UPHSD, si Francis Basilan ng Benilde ang 2nd Best Middle Blocker