Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ECC kasado sa mental health wellness compensation bill

0 205

Kinilala ni Employees’ Compensation Commission (ECC) executive director Stella Zipagan-Banawis na compensable o mababayaran ang karamdaman sa pag-iisip mula sa pagod at stress ng trabaho gaya ng nakapaloob sa Mental Wellness Leave na inakda ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Layunin ng HB 6253 na matugunan ang dumaraming kaso ng mental illness sa mga manggagawa. Sa ilalim nito, bibigyan ang mga manggagawa ng limang araw na karagdagang paid leave, bukod pa sa kanilang vacation leave at sick leave.

Mapaiilalim ang panukalang batas sa Philippine Mental Health Law na naglalayong proteksiyunan ang mga manggagawang nahaharap sa psychiatric, neurologic at psychosocial issues lalo pa’t dumarami ang may depressive disorder dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.