Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ECC: Work-from-home walang bayad sa COVID

0 247

Nilinaw kahapon ng Employees Compensation Commission (ECC) na hindi sakop ng kanilang benepisyo ang mga empleyadong nagkasakit dahil sa COVID-19 habang nagtatrabaho sa bahay o work-from-home.

Sa Laging Handa public briefing nitong Huwebes, sinabi ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis na tanging mga nagtamo lamang ng pinsala o nasawi habang nagtatrabaho sa kanilang tahanan ang sakop ng kanilang programa.

“For instance, you are using your computer and something happened to it, like if it exploded or something, whatever injury that we incurred, we can apply that for EC. Whatever happens to you there, you slipped on the floor, you injured your hands or feet, that is compensable,” paliwanag pa ni Banawis sa magkahalong English at Tagalog.

Dagdag pa nito na ang mga EC application para sa mga work-from home injury ay isasailalim sa ebalwasyon ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS) para malaman kung may kinalaman nga ito sa trabaho.

Nilinaw din ni Banawis na ang mga empleyadong nagkasakit dahil sa COVID habang nasa trabaho o bumibiyahe papunta at pauwi sa kanilang pinapasukan ay puwedeng mabigyan ng ECC benefits. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.