Abante Tonite Interactive

Eco-friendly na wedding sa Negros nag-viral

293

Kakaibang kasalan ang nasaksihan sa bayan ng Sta. Catalina, Negros Oriental na hinangaan dahil sa pagiging eco-friendly nito.

Sa Facebook post ni Toto Ibib, nag-viral ang mga larawan ng reception ng kasal nina Audre at Jan Valense Geconcillo, sa halip kasi na mamaha­ling kubyertos, mga paha ng saging na ginawang plato ng mga bisita habang gawa naman sa kawayan ang mga ginamit na baso at straw.

Bukod sa nakagawiang lechon, mayroon ding prutas, kakanin at mga pagkaing nakahain sa dahon ng saging at bilao ang handa sa kasalan.

Maging ang niregalo sa mag-asawa ay kakaiba dahil mga pananim at seedlings ng prutas, gulay at kape ang niregalo sa mga ito na nabatid na pawang mga nature-lover. (Juliet de Loza-Cudia)