Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Economic team markado ni Poe

0 226

Una, binaba ang buwis sa imported na baboy. Ngayon naman, buwis sa imported na bigas ang tinapyasan.

Ito ang rekomendasyon ng economic team ng gobyerno na inaprobahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ewan ko kung anong pambobola ng ginawa ng ‘mathtinik’ team at napapayag ang Chief Executive na ilang beses nang inaamin na mahina sa economics.

Sabi ng economic team, pananatilihin nilang abot kaya ng mga ordinaryong mamamayan ang presyo ng baboy at bigas kahit na nasakripisyo ang makokolektang revenue ng gobyerno dahil sa tinapyas na taripa rito.

Tatandaan ni Senadora Grace Poe ang pangako ng economic team. Sana ‘magdilang anghel’ sila sa kanilang pangako sa taumbayan. Baka naman daw kasi mga importer lang ang makinabang sa hakbang ng mga henyo sa gobyerno.

“Our people expect the government’s economic team to live up to their avowed tenet of fiscal responsibility by seeing to it that actual benefits trickle down to Filipino families and not just to importers,” giit pa ni Poe.

“Will the tariff slash actually result in lower prices in public markets and groceries? Can the people actually feel it?” tanong pa ng senadora.

Ngayong nabawasan ang inaasahang revenue ng gobyerno, sinabi ni Poe na malaki rin ang epekto nito sa panukalang budget para sa taong 2022 na uumpisahang talakayin ng Kongreso sa Hulyo.

SM food to go Banner Ad

Naging tradisyon na pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo, isinusumite ang panukalang national budget ng pamahalaan.

Ang tanong ngayon ni Poe, anong ahensiya ng gobyerno kaya ang babawasan ng budget para mabawi ang nawalang revenue sa pagtapyas ng taripa sa imported na baboy at bigas?

Huwag naman sanang bawasan ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nakatoka sa pamamahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang programang pinakikinabangan ng mga kapuspalad sa bansa.

Kung bubutasin naman ang panukalang budget ng Department of Education (DepEd), dagdag pahirap naman ito sa mga estudyanteng nakasalang ngayon sa distance learning. Pati nga mga guro, nagrereklamo na sa kakapusan ng pondong ibinibigay sa kanila lalo pa ngayong mas magastos ang distance learning.

Siguradong may ahensiya ng gobyerno na tatapyasan ng budget kaya nakaabang si Poe kung alin dito ang target ng economic team.

“Our people need all the help they deserve. Hirap na hirap na sila sa gitna ng pandemya.” pakiusap ni Poe sa mga opisyal ng gobyerno.

Mabuti na lamang at mayroon tayong miyembro ng Senado na tumututok sa mga kuwestiyonableng hakbang ng ilang opisyal ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.