Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Economic team pabor luwagan quarantine sa Marso

0 172

Hinayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na pabor ang mayorya sa economic team ng gobyerno na luwagan na ang ipinaiiral na community quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

“Kung kami ang tatanungin sa economic team, kino-consider natin na basta ma-establish lang ang numero, we will really make a proposal to deescalate, to relax. It’s about time,” ani Lopez.

Ayon sa kalihim, panahon na para magluwag sa quarantine status dahil sumusunod naman aniya ang publiko sa health protocol at batay sa mga datos, bumababa na ang COVID case sa bansa.

Ikukonsidera aniya nila sa susunod na buwan ang pagluluwag kapag makikitang tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Lopez na kaya lang naudlot ang plano dahil sa pagpasok ng UK variant kaya minabuti aniya munang obserbahan.

Batay aniya sa datos, wala namang malalang epekto ang bagong variant, at hindi naman nagpakita ng mataas na bilang ng COVID case sa mga nakalipas na araw at linggo.

“Nakikita natin na ang trending ay stable naman, may basehan para ituloy uli iyong mga dahan-dahan na pagluluwag. Para talagang babagsak na iyong ating ekonomiya kasi kaya kailangan talagang makabawi-bawi naman tayo,” dagdag ni Lopez. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.