Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ECQ pinalawak pa: Laguna, Iloilo, CDO damay

0 114

Inilagay na rin sa enhanced community quarantine (ECQ) ang lalawigan ng Laguna, Iloilo City at Cagayan De Oro City simula ngayong Biyernes, August 6 hanggang Agosto 15.

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na isailalim ang mga nabanggit na lugar sa pinakamahigpit na quarantine status dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Nauna nang inilagay sa ECQ ang Metro Manila simula ngayong Biyernes, para mapigilan ang posibleng pagkalat ng Delta COVID variant.

SM food to go Banner Ad

Isinailalim naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula August 6 hanggang 15 ang Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo.

Nasa general community quarantine (GCQ) naman na may heightened restriction ang lalawigan ng Batangas at Quezon mula Agosto 6 hanggang 15. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.