Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ECQ sa Tuguegarao pinalawig

0 180

PALALAWIGIN pa ng apat na araw ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Tuguegarao City.

Sa pahayag ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng nagpopositibo sa coronavirus disease-19 kung saan full capacity o puno na ang COVID-ward sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) at sa iba pang COVID-ward ng mga pribadong ospital.

Ayon kay Soriano, mahigit 700 na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya pag-uusapan ng City-IATF (Inter-Agency Task Force) ang mga bagong hakbang upang makatulong na mapababa ang mga nahahawaan ng naturang sakit.

Sinabi ng alkalde, matatapos sana ang 10-day ECQ sa lungsod sa April 8 ngunit pinalawig pa hanggang April 12. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.