Abante Tonite Interactive

ECQ to BBQ

0 302

Napuno ang FB newsfeed ko ng memes kaugnay sa mode of quarantine ngayon sa Metro Manila at ilang karatig-probinsiya.

Niluwagan na kasi ng Inter-Agency Task Force ang ipinatutupad na community quarantine sa malaking bahagi ng bansa.

Ang talagang pumatok, from ECQ to BBQ! Marami ang nagpost nito sa kani-kanilang personal FB accounts.

No doubt, super tindi talaga ng init ngayon. Sa totoo lang, nakaka-apat na beses akong ligo sa buong maghapon dahil sa init ng panahon.

Mismong weather bureau na PAGASA na ang nagsabi na mas tataas pa ang temperatura sa mga susunod na araw.

Dito sa Cavite, dalawang sunod na pumalo sa 50 degrees Celsius ang heat index sa Sangley Point.

Related Posts

Sinundan ito ng mataas ding temperatura na 47 degrees Celsius na naitala sa Dagupan City at 46 degrees Celsius naman ang nairekord sa Ambulong sa Tanauan City, Davao City, Dipolog City at Science City sa Munoz.

Mismong PAGASA na ang nagsabi, delikado sa heat index na pumapalo sa pagitan ng 41 at 54 degrees Celsius. Posible raw itong magdulot ng heat cramps, exhaustion at stroke, higit lalo sa mga taong may direct exposure sa araw.

Noong isang linggo, nasawi ang singer-actor na si Sonny Parsons na miyembro ng all-male group na Hagibis matapos atakehin sa puso na hininalang pinalala ng heat stroke. Sinasabing nag-motorsiklo si Parsons mula Markina City papuntang Tayabas City sa Quezon Province.

Prone dito ang mga traffic enforcer, street sweeper, mga pulis at sundalo, pati mga barangay officials na nakabilad sa tirik na tirik na araw habang nagmamando ng checkpoints ngayong naka-community quarantine pa rin ang malaking bahagi ng bansa.

Kaya kailangang mag-ingat. Higitan pa ang walong basong tubig na nauubos kada araw. Mas mainam kung may basang bimpo o face towel na puwedeng ipahid sa mukha at batok lalo na kung nakakaramdam ng init sa katawan. Iwasan ang direktang exposure sa araw mula alas ‪11am‬ hanggang ‪3pm‬. Kung nasa bahay lang, ugaliing maligo. Presko ang pakiramdam kapag laging malinis ang katawan.

Hiling kong ‘wag tayong matusta gaya ng BBQ ngayong umiiral pa rin ang ECQ sa Metro Manila, modified na nga lang.

Tonite – Wendys Inhouse Ad