Abante Tonite Interactive

Ed Sheeran kinasal na

284

HOLLYWOOD

Kinumpirma ng British singer-songwriter, guitarist and producer na si Ed Sheeran na ikinasal na siya sa kanyang kababata. Naganap ang pag-amin na ni Sheeran sa isang panayam sa kanya tungkol sa bago nitong collaboration album.

Kuwento niya, nagpakasal na raw sila ni Cherry Seaborn habang nakikipag-usap siya kina Eminem at 50 Cent (dala­wa sa pinakasikat at kontrobersyal rappers) tungkol sa lyrics ng panibago nitong kanta na “Remember The Name,” kung saan tinawag nito bilang kanyang “wife” ang kanyang fiancé.

“Watch how the lyrics in the songs might get twisted / My wife wears red, but looks better without the lipstick,” saad sa lyrics.

Ayon pa sa maga­ling na mang-aawit, naisulat na raw niya ang naturang mga ly­rics bago nila gawing opisyal ang kanilang pag-iisang dibdib.

“It was actually before me and Cherry got married, and I knew that we’d be married by the point that the song came out,” pag-amin ni Sheeran.

“Someone’s gonna hear that and be like, ‘Oh, they’re married!’ I didn’t know how that would be cons­trued, but obviously it’s already come out.”
Enero 2018 nang makuha ni Sheeran ang matamis na “oo” ni Seaborn.

Si Ed ang isa sa pinakasikat na bituin sa mundo. Siya ay nagpakasal sa kanyang childhood sweetheart nang lihim noong nakaraang taon, at nakatira sila sa isang £1 mil­yong bahay sa Suffolk England. (Lourdes Fabian)