Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ed, Tats may mga pasabog

0 173

May mga isisiwalat ang dalawang opisyal ng Association of Boxing Alliances in the Philippines at Philippine National Volleyball Federation sa online Philippine Sportswriters Association Forum ngayong Martes ng alas-11:00 ng umaga.

Bisita sa huling edisyon ngayong 2021 ng weekly Forum si ABAP president Edgar Genaro ‘Ed’ Picson na ilalahad ang plano at programa ng organisasyon para sa 2022.

Ibubunyag naman ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara ang hosting ng bansa sa 2022 FIVB Volleyball National League sa June 14-19 sa Pasay (women’s division), at Quezon City (men’s side) sa June 21-26.

Mga hatid ng San Miguel Corp., Milo, Amelio Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR, may livestream ang sports program sa fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB page. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.