Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edad 12-17 sa NCR target mabakunahan – Galvez

0 76

Sinisimulan na ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 kasama ang mga alkalde sa Metro Manila ang paghahanda para palawakin ang COVID-19 vaccination program sa mga mas batang populasyon.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ito ang mga batang nasa edad 12 hanggang 17.

Sabi ni Galvez, base sa datos ng NTF nasa 64.21% ng target sa NCR ang kumpleto na ang bakuna habang 84.09% ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

“We are looking at expanding the vaccine rollout to the younger population or those 12 to 17 years old in NCR. We are awaiting the recommendation of our vaccine and public health experts regarding this matter, but the NTF along with Metro Manila mayors, have started preparations for this expansion,” ayon kay Galvez sa isang pahayag.

May mga lokal na pamahalaan na aniya sa National Capital Region (NCR) ang nagbukas ng COVID-19 vaccination registration para sa mga menor de edad. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.