Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edad 15 puwede na lumabas sa NCR

0 31

Pumayag na ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na makalabas sa kanilang tahanan ang mga 15 hanggang 65-anyos.

Kaugnay nito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque pinag-aaralan na rin ang mungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na palawakin pa ang age group ng mga papayagang makalabas ng bahay mula edad 5 hanggang 70.

Matatandaan na naunang pinayagan ni Pangulong Duterte ang mga edad 10 -65 na makalabas na ng bahay, subalit binawi ito dahil sa COVID variant na nakapasok sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang proposal ok ay gawin itong 5 to 70. Pinag-aaralan pa po yan. Pero sa ngayon po, ang mga Mayors sa Metro Manila ay lumayag na na ubaba ang edad na pupuwedeng lumabas mula kinse hanggang 65,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.