Abante Tonite Interactive

Edad lang ‘yan masaya ako!

289

Hindi sa nagmamalaki ako pero sa tuwing may magtatanong ng edad ko, proud ko itong sinasagot.

Nadagdagan na naman ako ng isang taon. Sa mga curious kung ilang taon na ako, 36 na po ang inyong lingkod.

Sa totoo lang, hindi ko ikinahihiyang nasa mid 30s na ako. Apat na taon na lang, kuwarenta na. After all, sabi nga nila – life begins at 40.

Ang nakapagtataka, tila allergic ang marami kapag itinatanong ang edad nila. Marami akong kilalang ganyan. May ilan pang umaabot sa awayan kapag natatanong ang edad.

Ayon sa ilang life experts, normal naman daw ito. Nagsisimula talaga ang embarrassment natin sa tanong kaugnay sa edad pagtuntong ng mid 20s. Lalo ka pa raw maiirita sa parehong tanong habang tumatanda.

Pero imbes ma-stress sa tanong na ito, dapat laging positibo ang outlook sa buhay. Ika nga, maturity comes with age. Kumilos nang naaayon sa edad. Huwag ma­ging isip-bata.

Hindi porket may edad na, wala nang time para magsaya. Mas dapat ngang makihalubilo sa kapwa. Sabi ng mga life expert, socialization is the key to keep you going. Mag-nightout ka paminsan-minsan kasama ang tropa.

Para mas ma­ging meaningful ang buhay, mai­nam ding tumulong sa kapwa hi­git lalo sa mga nangangailangan gaya ng mga nasalanta ng Taal eruption.

Huwag din siyempreng kalimutang lumingon sa pinanggalingan. Habang nagkakaedad ka, mas dapat mong mahalin ang iyong mga magulang. Wala ka sa estado ng buhay mo nga­yon kundi dahil sa pag-aaruga nila sa’yo.

Ang aking mainit na pagbati sa mga ka-birthday ko – HAPPY BIRTHDAY to us all! Tandaan, edad lang ‘yan. Ang mahalaga, masaya ka sa buhay!