Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eddie Garcia Bill, dapat maipasa agad sa Senado

0 313

Hinimok ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maipasa agad ang Eddie Garcial Bill o House Bill No. 7762 na naglalayon mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawa sa telebisyon, radyo at pinikalakang tabing kahapon.

“Kailangan po natin bigyan ng seguridad ang mga manggagawa sa showbiz maging mga nasa likod ng camera. Manggagawa na kailangan masigurado ang health standards para sa kanilang kapakanan,” pahayag ni Romero.

Nauna nang nakapasa sa Kongreso sa final at 3rd reading ang panukala ni Romero, na stepson ng yumaong batikan na actor na si Eddie “Manoy” Garcia habang nasa taping ng isang tele-serye noong nakaraang taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang panukala ay magbibigay mag-oobliga sa mga employer o producer na magbigay ng employment contract o tamang kontrata sa mga employado nito. Bukod dito, magkakaroon din ng benepisyo tulad ng PhilHealth at kailangan na mabilang sa minimum wage salaries.

“This is Tito Eddie’s eternal legacy. Sa kanyang mahal na industriya kung saan binuhos niya ang 70 taon ng kanyang buhay. Ito ay para sa kanya. Ang pagkawala niya ay magiging kaligtasan ng maraming buhay,” dagdag ni Romero.

Kasalukuyan, libo-libo na ang nag-iintay ng maisabatas ito at kabilang sa mga humiling sa Senado na maisulong at maisabatas na ito sa lalong madaling panahon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.