Abante Tonite Interactive

Eddie Garcia ibinuking sina Nora, Vilma

2,726

Ayon sa beteranong actor na si Eddie Garcia, may gagawin daw pelikula ang Superstar na si Nora Aunor at Star for all Seasons na si Vilma Santos.

Kung sakali, ito raw ang magiging movie event ng dekada.

Ito raw ay ididirehe ni Brillante Mendoza para sa okasyon ng ika-100 taon ng Pinoy cinema.

Related Posts

Kasama raw siya sa cast at maging ang mga naging ex ni Ate Guy na sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III.

Tsika pa niya, may ginagawa rin daw siyang animation na iprinodyus para sa Netflix kung saan ginamit ang kanyang boses.

Hirit pa niya, na-enjoy daw niya ang proseso ng voice acting.