Abante Tonite Interactive

Eddie Gutierrez, sumailalim sa knee replacement surgery

3,347

Naoperahan pala sa tuhod ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez base sa IG post ng kanyang pa­nganay na anak na si Ruffa Gutierrez.

Ayon kay Ruffa, successful ang operation at kasalukuyan nang nagpapagaling ang ama.

“We are happy to share with you that Dad just had a successful knee replacement surgery. After years of suffering, he’s now free from pain and on the road to a full recovery! Praise God,” ang bahagi ng caption ni Ruffa sa larawan nila ng pamilya kasama ang ama habang nasa hospital room ng St. Luke’s Medical Center kung saan ino­perahan si tito Eddie.

Abante Hiring – IT dep

Of course, nasa la­rawan din ang asawa ni tito Eddie na si Anabelle Rama with Zion Gutierrez na panganay na anak naman nina Richard G. and Sarah Lahbati.

Ayon pa kay Ruffa, her dad can’t wait to go back to playing golf at nagpasalamat sa lahat ng doktor at nurses sa St. Luke’s who took care of her dad.