Abante Tonite Interactive

Eddie, Nadine best actor, actress sa Urian

408

Roldan Castro

tonite-this-is-it-roldan-castroHabang isinusulat namin ito ay isinasagawa ang 42nd Gawad Urian 2019 sa Cine Adarna, UP Film Center.

Nanalo si Eddie Garcia bilang Best Actor sa pelikulang “ML.” Si Nadine Lustre naman ang Best ­Actress para sa “Never Not Love You.”

Hindi si Nadine ang tumanggap ng tropeo ­dahil ayon sa source, hindi siya pinayagang umalis sa taping.

Wagi si Joel Lamangan bilang Best Supporting Actor para sa “School Service.” Si Cherie Gil naman ang Best Supporting Actress para sa “Citizen Jake”. Best Director naman si Denise O’Hara para sa pelikulang “Mamang.”
Best Screenplay: Rody Vera (“Signal Rock”); Best Cinematography: Neil Bion (“BuyBust”).

Ang hosts ay sina Butch Francisco at Cherie.
Congrats sa mga winners.

Ryan nakaiskor kay Angelica

Kilig na kilig si Ryan Bang sa viral video na hinalikan niya si Angelica Panganiban sa “Banana Sundae.” Ang kissing moment na ito ay regalo ni Angel sa komedyante.

Halos maglupasay siya sa tuwa. Naging emosyonal at umaapaw sa kaligayahan naman si Ryan sa nangyari. Parang nanalo sa lotto.

Aminado si Ryan na ultimate crush niya ang aktres.
Tinawanan lang ni Angel ang walang malisyang halikan.
Nag-cheer at nagsisigaw naman ang audience sa nangyari.
Talbog!

NTC inutusan
ang KBP na
i-ban ang ‘Amatz’

Nagpasalamat ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC). Inatasan nila ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na ‘wag patugtugin sa ere ang kantang “Amatz” ni Shanti Dope.

Noong Mayo ay kinondena ng PDEA ang kantang “Amatz” at ipinagbawal itong patugtugin dahil tumatalakay umano ito sa droga.

Idiniin naman ni Shanti Dope na ang ‘amatz’ na tinutukoy niya ay ang ‘heaven’ na nararamdaman sa musika.
Pak!

Ethel Booba inalmahan si Jay Sonza

Insensitive umano ang komento ni Jay Sonza sa mga mangingisda na binangga at iniwan ng Chinese vessel sa West Philippine Sea. Ito ang puna ni Ethel Booba sa pagsasawalang-bahala sa mga nabiktimang fishermen.

Tweet ni @IamEthylGabison, “Grabe yung number 4 nya na ‘wala man lang namatay o malubhang nasugatan sa kanila.’ Diba sabi ng mga mangingisdang Pinoy na they rowed using small boats for 2 hours to reach the 4 nautical miles na location ng mga Vietnamese? Former journalist pero di marunong makibalita. Charot!”
‘Yun na!